Marami ang nagsasabi hinde raw magaling ang heads sa live, well siguro in terms of performance o yung dating ba mismo ng banda sa audience pero syempre all-in-all maganda pa rin ang mga kanta nila at sapul sa masa. August 30, 2008 yan ang date ng kanilang reunion concert matapos ang ilang taon ng kanilang pag disband. Excited ang lahat, kumalat ang balita sa internet, forum, blog, news at telebisyon. Maraming natuwa kasi nung una ito ay libre kelangan mo nga lang manigarilyo at ipaamoy sa organizer ang hininga mong mabantot dulot ng isang ream na yosi upang ikaw ay makapasok, tumutol ang gobyerno sa kadahilanang masama i-promote ang pagyoyosi. Upang matuloy ang concert nagkaroon na lang ng bayad ang ticket. Ok lang naman minsan lang nman gumastos lalo pa’t isa itong reunion ng grupo na minsan ay nagkasiraan. Fan ako ng heads since elementary, grade 4 ata ako noon nung una ko sila npakinggan sa pirated na cassette tape ng pinsan ko. Natuto ako mag gitara sa mga kanta nila, natatandaan ko pa noon na naghihiraman kame sa songhits para kantahin ang lyrics. Nasa probinsya ako noon kaya never ko sila napanood ng live hangang sa umalis na si ely at naging e’heads at naging cambio nawala si markus hangang sa nalaos na rin. Although napapanood ko si ely sa pupil at si raymund sa sandwich iba pa rin yung magkakasama silang apat at tumutogtog ng mga kanta nila, na noon ay sinasabayan mo lang.
Putcha yan Late kame nkarating sa concert, tinutugtog ang alapaap habang kame ay bumibile pa lang ng ticket, pero awa ng diyos nkapasok pa rin kame kahit mahaba ang pila sa entrance. Ang daming tao, sila pa lang ata ang pinoy na banda na nakagawa nito sa Philippine history. Me mga bata na tipong sa CD na lang nila npakinggan at sa you tube napanuod. Me mga gurang na rin na tipong kaklase pa ata nila ely o higher batch nila. Lahat ng tao na nanduon ay Masaya inaabangan ang bawat kanta na kanilang tutugtugin, me mga loko-loko na sumisigaw ng group hug sa banda, natawa ako as if mga artista ang grupo na to at mkkipagplastikan na magyakapan sa harap ng maraming tao. At nangyari ang hnde inaasahan, ang 20-minute break ay humaba, sabi ko na nga ba me masamang nangyari. Lumabas sa stage sila raymund at ang kapatid ni ely kasama ang iba pang miyembro ng banda at ang promoter ng concert, humingi ng paumanhin at ang kapatid ni ely at pinaliwanag na hinde na matutuloy ang concert dahil sinugod sa hospital ang kanyang kuya, nagulat lahat ng tao, maraming nanghihinayang marami ang nalungkot. Humingi rin ng paumanhin ang promoter at hinikayat ang mga tao na mag alay ng 1-minute of silence para sa kabutihan at pag galing ni eli. Maraming tumakbo sa isip ko habang kame ay lumalabas ng gate, shyet sayang un concert nakalahatian ko lamang, hinde ko man lamang napakinggan yung ibang kanta na paborito ko, mga kantang sinasabayan ko nuong elementary pa ako. Ok lang, naisip ko rin na posible magkaroon ng part II ito ang tanong nga lang kung kelan.
So doon nagtapos ang first and last concert ko with eraserheads. Si Marcus Adoro ay si marcus, si Buddy Zabala ay si buddy, Raymund Marasigan ay si raymund, si Ely Buendia ay si Ely, may mga kanya kanya silang personalidad, sila ay miyembro lamang ng kanilang banda pero iba pa rin ang dating nung napanood ko sila nagsama sama, tumutugtog na bilang bandang eraserheads.


